Drug peddler falls in Pigcawayan, P360K worth of meth seized
INARESTO ng pinagsamang pwersa ng Pigcawayan Municipal Drug Enforcement Unit, PDEA- 12 at RPDEU- 12 ang isang bigtime drug pusher sa isinagawang entrapment operation alas-2:00 ng hapon kahapon sa national highway Poblacion 3, Pigcawayan N. Cotabato.
Kinilala ni Pigcawayan town chief Major Carl Jayson Baynosa ang suspek na si Demy Mange Salvo, 58-year-old, na taga Banisilan, North Cotabato.
Sa panayam ng DXMS radyo bida kay Baynosa, sinabi nitong nadakip ang suspek matapos mapagbentahan nito ng shabu ang isang police undercover agent.
Nakuha sa suspek ang isang malaking sachet ng shabu na may timbang na 50 grams at abot sa P360,000.
Nasa kustodiya na ng Pigcawayan MPS ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.