Drug peddler falls, P640K shabu seized in Pigcawayan
PIGCAWAYAN, North Cotabato - Abot sa P640,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Pigcawayan PNP sa mula sa isang big time drug peddler sa ikinasang anti-drug operation kagabi.
Kinilala ni Pigcawayan Municipal Police Station commander Police Major Andres Sumugat Jr. ang suspek na si Fahad Salipada Macauyag 32 years old na taga Barangay Gang, Sultan Kudarat Maguindanao.
Ayon kay Major Sumugat, ang suspek ay naaresto sa ginawang buy-bust operation ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) pasado alas otso kagabi sa Barangay Poblacion 3 sa naturang bayan.
Nakumpiska sa suspek ang 100 gramo ng shabu na tinatayang nasa P640,000 ang halaga at isang Toyota Innova.
Kasong paglabag sa RA 9165 ang isasampang kaso laban sa suspek ba ngayun ay nasa custodial facility na ng Pigcawayan MPS.