Drug den, nadiskubre, 9 na drug suspects huli sa Cotabato City anti-drug ops
COTABATO CITY - Unang nadakip ang pitong suspek sa isa umanong nadiskobreng Drug Den alas kwatro pasado ng hapon sa Purok 1, RH-9.
Nahuli ang pangunahing target na suspek na si Lordan Binayog, 22 anyos residente ng Barangay.
Kabilang sa mga dinakip ang anim pa na mga suspek na inabutan diumano sa lugar at sinasabing mga costumer ni Binayog.
Nakuha sa mga ito ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu, mga drug paraphernalia, suspected marijuana na nakabalot sa kapirasong papel at IDs.
Nabuwag ang drug den matapos na magkatuwang na isagawa ang operasyon ng PS3 at ni City PNP Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Chief Plt. Adones Guiambangan at iba pang mga kinauukulan.
Arestado din ng nasabing himpilan ng pulisya ang isa pang suspek na kinilalang si Jhon Paul, na nakuhanan ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa buy bust sa RH-8.
Naaresto din ng PS1 sa pangunguna ni Station Cmmdr. Pmaj. Elexon Bona, ang suspek na si Kamsa Solon, na nakuhanan di ng isang pakete ng Shabu sa RH-3.
Nahaharap ngayon sa kasong Paglabag sa RA9165 ang mga suspek at pawang naka kustodiya sa mga nabanggit nahimpilan ng pulisya.