Wednesday Mar, 22 2023 04:36:39 AM

DOS PNP pinaputukan ng isang lalaki, isang pulis sugatan, suspect nahuli

Peace and Order • 16:00 PM Sun Mar 19, 2023
165
By: 
DXMS Radyo Bida
Ang sugatang suspect na ngayon ay ginagamot din sa ospital.

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - KINILALA ANG SUGATANG pulis na si Staff Sergeant Michael Lacsasa na residente rin ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte at nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao PPO sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Datu Odin Sinsuat PNP Investigator Staff Sergeant Benjamin Bedo na habang nagpapatrolya ang biktima kasama ang ibang pulis ay may napansin silang kahina hinalang kilos ng lalaki.

Lalapitan sana ito ng mga pulis pero biglang namaril ang suspek na si Sukarno Guiaber.

Ang biktima at mga kasama nito ay sakay ng motorsiklo kung saan madalas silang umiikot sa lugar para sa seguridad ng bayan katuwang ng Datu Odin Sinsuat PNP.

Nangyari ang pamamaril sa old market, Barangay Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat pasado alas onse ng umaga kanina.

Agad namang naaresto ang suspek matapos isagawa ng mga otoridad ang hot pursuit operation.

May mga nagsasabi na unang bumaril ang mga pulis kaya nanlaban ang suspek pero ito'y patuloy pang iniimbestigahan.

Ino-obserbahan na ang kalagayan ng biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa kamay, braso at panga habang ang suspek ay nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan dahil sa hot pursuit operation.

Patuloy na inaalam ng Datu Odin Sinsuat PNP sa pangunguna ni Major Regie Albellera kung may mga kasama pa ba ang suspek.

BARMM Darul Ifta declares Ramadhan to commence March 23

COTABATO CITY  – A Muslim religious leader today announced that the Holy Month of Ramadhan will official commence on Thursday, May 23, Thursday...

34 loose firearms handed over to military in Basilan

ZAMBOANGA CITY - Lantawan Mayor Nursiya Ismael handed over 34 loose firearms to the military in a ceremonial turn-over held at the 19th Special...

Man with P1,7-M shabu nabbed in Polomolok sting

KORONADAL CITY – Collaborative effort of PRO 12 in intensified campaign against illegal-drugs resulted in the arrest of notorious drug peddler...

Priest mistaken for transporting a "salvaged man"

KIDAPAWAN CITY  – A Catholic priest has claimed that a police officer suspected him of transporting a salvage victim while driving from Digos...

P510K shabu seized in Carmen, North Cotabato, dealer nabbed

KIDAPAWAN CITY – About P510,000 worth of shabu were seized from a High Value Individual (HVI) in Purok 14, Brgy. Poblacion A, Carmen, Cotabato...