DOH lists 14 firecracker related injuries in Region 12
HEALTH • 22:00 PM Sat Jan 2, 2020
818
By:
DXMS Radyo Bida
COTABATO CITY - Sa buong Soccsksargen region, labing apat katao, ang nasugatan dahil sa paputok, ayon sa Dept of health 12.
Anim sa mga ito ay taga South Cotabato, apat sa Sultan Kudarat, dalawa sa Gen. Santos City at tig-isa sa Sarangani at North Cotabato.
Lahat ng mga nasugatan ay mga lalaki na nagkakaedad ng 4 hanggang 31 taong gulang, ayon sa Regional Epidemiology Surveillance Unit ng DOH-12.
Walang iniulat na nasawi dahil sa paputok sa rehiyon.
Noong nakaraang taon, ang may 12 katao ang nasaktan dahil sa paputok.