DepEd-12 info chief Antonio Maganto Jr, 31
Local News • 06:30 AM Fri May 20, 2022
189
By:
DXOM-AM Radyo Bida Koronadal
Antonio Maganto Jr
Sumakabilang buhay kahapon si Deped 12 Information Officer Antonio Maganto Jr.
Sinabi sa Radyo Bida ng malapit nitong kaibigan at kaanak na si Maganto ay binawian ng buhay sanhi ng karamdaman.
Ang mga labi nito ay agad na ipina-cremate ng kanyang pamilya sa General Santos City.
Kahapon ay dinala din ang urn o ang mga abo nito sa DepEd 12 regional office sa Koronadal regional government center kung saan nag-alay ng bulaklak ang kanyang mga ka-trabaho bago dinala sa kanyang bayan.
Bago siya naging DepED regional information officer, si Maganto, na mas kilala sa tawag na “Sir TonTon,” ay nagsilbi bilang disc jockey ng Happy FM Koronadal.