Delta variant sa Marawi nadiskubre pero taga Lanao Norte
HEALTH • 15:15 PM Wed Aug 18, 2021
1
By:
DXMS Radyo Bida
COTABATO CITY - NILINAW NI Bangsamoro Region Health Minister Bashary Latiph na walang kaso ng COVID-19 delta variant sa rehiyon.
Sa press conference, nilinaw ni Minister Latiph na sa Marawi City naka-isolate ang pito katao, kabilang ang mga bata dahil may sintomas ng COVID-19.
Matapos ang RT-PCR test, apat ang nag-negative, tatlo ang positive at naglagay ng address na taga Marawi sila.
Pero ang mga nagpositibo ay kinuha ng isang taga MDRRMO ng Tangkal, Lanao del Norte at dinala sa kanilang bayan.
Iginiit ni Latiph na sa BARMM nadiskubre na may COVID-19 delta variant ang dalawa pero ito ay taga Lanao del Norte kayat, on record, ay wala sa BARMM.