Datu Piang barangay kagawad, patay sa pamamaril
Breaking News • 20:00 PM Sat Sep 16, 2023
400
By:
DXMS NDBC
Ang biktimang si Leonardo de Jesus Jr. (contributed photo)
DATU PIANG, Maguindanao Sur - PATAY sa pamamaril ngayong hapon ang Barangay Kagawad ng Poblacion, Datu Piang, Maguindanao del Sur na kinilalang si Leonardo Asud de Jesus Jr.
Ayon kay Datu Piang police chief Lt. Colonel Armando Liwan, sakay sa front seat ng kanyang gray Innova na minamaneho ng kanyang anak nang tambangan ng mga suspek sa bahagi ng Barangay Kanguan, Datu Piang.
Si De Jesus ay incumbent kagawad pero hindi na kakandidato ngayong darating na barangay election kayat sa initial na pagsisiyasat ng PNP ito ay hindi election related.
Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang Datu Piang MPS hinggil sa tunay na motibo ng krimen.