Thursday Apr, 25 2024 07:28:26 PM

Dapat tularan: Mlang LGU recognizes lowly worker's honesty

Local News • 04:45 AM Tue Oct 27, 2020
1
By: 
WILLIAMOR MAGBANUA
Mayor Russel Abonado hands over a P5k reward to honest lgu personnel during Monday"s flag raising ceremony.(Nerry Fores of Sky Radio Mlang)

MLANG, North Cotabato – Kusang loob na ibinalik ni Cristano Bacalso alyas “Nonoy” sa may ari ang isang waist pack na naglalaman ng mahigit P80,000 na naiwan sa isang bangketa sa palengke ng Mlang noong hapon ng October 21, 2020.

Sa salaysay ni Bacalso, bandang alas kwatro ng madaling araw noong October 22, 2020 habang siya ay nagwawalis sa nasabing bangketa ay napulot nito ang isang maliit na waist pack na medyo nakatago sa isang upuan.

Agad umano niya itong kinuha at binuksan at nakita ang mga naka-usling mga papel na pera sa loob ng bag. Dahil wala siyang makitang tao sa paligid, ipinagpatuloy niya umano ang kanyang paglilinis sa nasabing lugar habang nanginginig at bitbit ang nasabing bag.

Makalipas ang isang oras, binalikan umano ni Bacalso ang lugar kung saan niya nakita ang bag at naabutan niya doon ang isang lalaking hindi mapakali at pinapawisan.

Tinanong niya umano ang lalaki pero parang ayaw magsabi ng totoo. Dahil dito, nagpakilala si Bacalso sa lalaki at sinabi nito na nagtatrabaho siya sa munisipyo at siya ang naglilinis araw-araw ng nasabing lugar, doon na sinabi ng lalaki ang tungkol sa nawawala nitong bag.

Nakalimutan umano ni Bacalso ang pangalan ng lalaki at apelyedo lamang nitong Samoras ang naalala nito, taga Kidapawan City, mga nasa 20 taong gulang at nagtatrabaho sa isang lending company.

Ayon kay Samoras magtatakipsilim noong October 21 habang papauwi siya nang hindi niya naramdamang kumalas sa bewang niya ang nasabing bag at sa Kidapawan na niya napansing nawawala ang waist pack nito.

Ibinigay ni Bacalso ang bag sa nasabing lalaki matapos matiyak at magtugma ang ibinigay na pangalan nito sa naiwang ID sa loob ng bag. Hindi na umano nakatanggi si Bacalso nang pinilit siyang bigyan ni Samoras ng P500 bilang pasasalamat sa kabutihang loob nito.

Si Bacalso ay kasalukuyang nag tatrabaho sa local na pamahalaan ng Bayan ng Mlang bilang isang job order na na assign sa General Services Office.

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...

300 pamilya, lumikas dahil sa bakbakan ng dalawang armed groups sa Pigcawayan

LUMIKAS ang nasa 300 mga indibidwal mula Barangay Banucagon, Pigcawayan, Cotabato nang sumiklab kahapon ng hapon ang bakbakan sa pagitan ng dalawang...

Cotabato Light announces power interruption for April 30

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced the scheduled power interruption affecting some parts of Barangay Macaguiling, Sultan...