Wednesday Dec, 06 2023 11:05:40 PM

Cotabato City binaha, Nuro Upi, Maguindanao, binaha din

Climate Change/Environment • 07:30 AM Fri Oct 28, 2022
1
By: 
DXMS RADYO BIDA COTABATO
Photos from social media

LUBOG SA TUBIG BAHA ang malaking bahagi ng Cotabato City dahil sa magdamag na malakas na buhos ng ulan simula kagabi hanggang alas 5 ngayong umaga.

Sa sentro ng Barangay Rosary Heights Mother, Cotabato City abot hanggang beywang ang tubig baha at maraming mga bahay ang lubog sa tubig.

Sa kalapit bayan sa Maguindanao tulad ng Sultan Kudarat, Northern Kabuntalan, at Datu Odin Sinsuat ay nararanasan din ang pagbaha.

Kahit sa upland town ng Upi sa Maguindanao, nararanasan din ang pagbaha, particular sa sentro ng Barangay Nuro.  Ang covered court kung saan ginawang pansamantalang evacuation site ay binaha din.

Ayon sa Pag-asa mula kagabi hanggang ngayong umaga ay bubuhos ang malakas na ulan dahil sa bagyong si Paeng na ngayon ay nananalasa sa Luzon.

Ang malakas na ulan ay nararanasan sa buong Bangsamoro Region, bahagi ng Soccsksargen region Visayas and CALABARZON.

Ayon sa Pag-asa, inaasahan din ang malakas na pag-ulan ngayong gabi hanggang sa sabado.

Sa coastal areas ng Kalamansig at lebak, nararanasan din ang malakas na buhos ng ulan hanggang ngayong umaga.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga nakatira sa mababang lugar na ingatan na hindi maabot ng tubig baha ang mga outlet ng kuryente.  Kung kailangang i=off muna ay gawin ito upang iwas disgrasya.

Samantala, sinuspende ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan, pampubliko man o pribado at trabaho sa sa mga opisina ng city government.

Inatasan din niya ang lahat ng mga barangay officials na asikasuhin ang kanilang mga nasasakupan.

Sa Datu Odin Sinsuat, ito ang sinapit ng isang paaralan sa gilid ng national highway sa Barangay Kurintem. (Image mula kay Yon Ohh) 

May be an image of tree and sky

Sa BARMM, sinunspende agn trabaho sa lahat ng mga tanggapan sa regional govenrment at sa iba pang lugar na apektado ng masamang kalagayan ng panahon.

May be an image of text

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Daulah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...

3 face illegal possession of 6 rifles, narcotics raps

COTABATO CITY -  The Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region confirmed on Tuesday that the three residents of this city captured...

NDBC BIDA BALITA (Dec. 6, 2023)

HEADLINE 1   NOTRE DAME University sa Cotabato City, may 32 BAR passers; Babaeng Jail Officer sa BARMM, isa naman sa mga pumasa 2023...