Cook, huli sa anti-dug operation sa Koronadal
KORONADAL CITY - Balik kulungan ang isang drug surrenderee na under probation at nakinabang sa plea bargaining agreement ng korte matapos maaresto sa anti-illegal drug operation ng mga otoridad sa lungsod.
Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 Information Officer Kath Abad ang naarestong drug suspect na si Fernan Jayson Anduada, 37 taong gulang, at isang cook.
Si Anduada ay na-corner ng mga otoridad sa kanila mismong lugar sa Marañon, Village Barangay Zone 3 sa lungsod kagabi.
Nakuha sa kanyang ng arresting team ang apat na mga sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P34,000 at P500 na marked money na ginamit sa kanilang drug buy-bust operation.
Si Anduada ay naaresto ng joint team ng PDEA South Cotabato, Drug Enforcement Unit ng Koronadal at South Cotabato PNP.
Ang high-value target drug personality na si Anduada ay kakasuhan naman ng mga otoridad ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Roel P. Osano)