Cartographic sketch, CCTV footage ng bus bombing suspect, isinapubliko ng PNP
Breaking News • 20:45 PM Mon Apr 25, 2022
674
By:
Edwin O. Fernandez
PARANG, Maguindanao - Ipinalabas na ng PNP Special Investigation Task Group ng PNP-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang cartographic sketch ng pinaniniwalaang responsable sa pagpapasabog ng bomba sa loob ng Rural Tours bus sa Parang, Maguindanao nitong linggo na ikinasugat ng anim katao.
Ipinalabas na din ng PNP ang CCTV footage ng bus na nakakuha ng video ng suspect na pababa ng sasakyan.
Ang publiko na may alam sa kinaroroonan ng suspect ay maaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na police office.