Bus nahulog sa bangin sa Manolo Fortich, Bukidnon
Breaking News • 21:00 PM Sat Aug 13, 2022
1
By:
Ariel Angeles /DXDB Malaybalay Radio for Peace/TIMRA
MALAYBALAY CITY -- Sugatan ang driver, conductor at 30 mga pasahero ng isng unit ng Rural Transit Bus matapos na ito ay mahulog sa gilid ng highway sa Sitio Mangima, Tankulam Manolo Fortich, Bukidnon alas 8 ngayong gabi.
Patungong Davao City ang bus mula Cagayan de Oro City nang maganap ang aksidente sa sigzag road ng lugar dahil sa madulas na kalsada dulot ng ulan, ayon kay Rogelio Busbus, isa sa mga pasahero.
Inaalam pa ng PNP kung may nasawi sa mga sugatan na agad dinala sa Bukidnon Provincial Hospital sa Manolo Fortich.