Binatilyo, patay matapos makuryente sa Tantangan
Local News • 11:00 AM Tue Jun 15, 2021
652
By:
DXOM Radyo Bida Koronadal
TANTANGAN, SOUTH COTABATO - Labis ang hinagpis ng pamilya ng isang 17 anyos na binatilyo matapos itong makuryente sa bayan ng Tantangan.
Kinilala ang nasabing biktima na si Michael Gundral, 16 anyos at residente ng Brgy. New Iloilo.
Batay sa inisyal na impormasyon, nangunguryente lamang ng isda sa sapa ang biktima kung saan ikinabit nito ang kable sa poste ng Socoteco dahilan na nakuryente ito.
Kaagad itong isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital ngunit hindi na umabot pang buhay.
Sa ngayon ay nakalagak na ang bangkay nito sa kanilang bahay.
Nabatid na pininsala ng tubig-baha ang nasabing barangay kamakailan lamang bunsod ng pag-ulan kung saan umabot pa sa hanggang leeg ang lalim nito sa ilang purok.