BARMMAA meet 2023 update
Local News • 21:30 PM Wed May 24, 2023
489
By:
DXMS Cotabato City
Naglabas na ng rota para sa gagawing parada bukas na bahagi ng opening program para sa BARMM Palarong Panrehiyon 2023.
Magsisimula ang parade sa ganap na alas 2:00 ng hapon. Sa harap ng Old City Hall ang assembly area at simula ng parada.
Tatahakin ng parada ang kahabaan ng Sinsuat Avenue at liliko sa General Luna Street, sa gilid ng Cotabato City National High School-Main Campus hanggang makarating sa sports oval ng Cotabato State University (CSU).
Samantala, naghahanda na ang mga delegado para sa kanilang laro bukas, Huwebes.