Thursday Sep, 28 2023 01:11:44 PM

BARMM READi, namigay ng tulong sa mga fire victim ng sunog sa Cot. City

Local News • 22:30 PM Wed Apr 12, 2023
529
By: 
BARMM READi news release

Bangsamoro READi, agad nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Barangay Bagua Mother.

Abot sa 10 mga bahay ang tinupok ng apoy kaninang alas nuebe ng umaga, 12 April 2023 sa Purok Masigay at Bulawan, Mother Barangay Bagua, Cotabato City.

Ang sunog ay naging dahilan upang mawalan ng tahanan ang 17 pamilya na binubuo ng 28 indibidwal sa nabanggit na lugar.

Agad nagpaabot ng paunang tulong ang Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o (Bangsamoro-READi) upang makaagapay sa mga biktima.

Kabilang sa tinanggap ng mga nasunugan ay 10 kilo ng bigas, 10 delata ng sardinas, 10 sachet ng kape, isang flashlight, at mga gamot mula sa Bangsamoro READi.

Pansamantala ay makikisilong ang mga biktima sa evacuation centers na inihanda ng barangay officials habang ang iba ay nagdesisyon na makikitira sa kanilang mga kamag-anak.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Cotabato City Bureau of Fire Protection sa posibleng pinagmulan ng sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan at nasawi sa naturang insidente.

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...