Thursday Jun, 13 2024 03:00:16 AM

Barangay Kagawad patay, driver sugatan sa ambush sa Datu Hoffer, Maguindanao Sur

Peace and Order • 21:15 PM Mon Apr 29, 2024
352
By: 
DXMS NDBC
Ang nakaligtas na driver na si Ronald Angit. (Datu Hoffer PNP)

PATAY ang isang barangay kagawad habang nakaligtas naman ang driver nito matapos tambangan ng mga suspek sa Barangay Tuayan 1, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur pasado alas 2:00 ng hapon kanina.

Kinilala ni Datu Hoffer town police chief Lt. Albert Pansoy ang nasawi na si Juanito Promboy, nasa hustong gulang, Barangay Kagawad ng Mother Tuayan ng Datu Hoffer.

Sugatan naman ang driver nitong si Ronald Angit, na taga Timanan, South Upi, Maguindanao del sur.

Ayon sa ulat, sakay ang dalawa sa Skygo 125 at binabaybay ang Brgy. Tuayan Mother sa Datu Hoffer patungo sanang Barangay Limpongo sa nasabi ring bayan nang tambangan sila ng mga suspek sakay rin ng isang motorsiklo.

Tinamaan ang driver na si Angit sa bandang leeg habang sa tagiliran naman si Promboy.

Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima sa pero idineklarang dead on arrival si Kagawad Promboy.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng PNP sa nasabing krimen.

CM Ebrahim urges Bangsamoro to be ‘custodians’ of democracy on 126th PH Independence Day

COTABATO CITY — Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) joined on Wednesday the celebration of the 126th Philippine Independence Day...

NDBC BIDA BALITA (June 12, 2024)

NEWSCAST 1   MGA SUSPECT na nang-ambush sa convoy ng isang kapitan sa Cotabato City, kilala at kakasuhan ng mga biktima, ayon sa PNP...

Japan approves $5.5M grant for birth registration in BARMM

MANILA – The Japanese government has approved USD5.5 million (PHP323.19) in grant to improve the access to birth registration of Sama Bajaus and...

MSSD execs visit program beneficiaries, projects in MagSur

MAGUINDANAO DEL SUR — As part of the BARMM Ministry of Social Services and Development’s (MSSD) inaugural Management Committee Meeting for the 1st...

Cotelco announces power service interruption in some parts of Antipas, Pres. Roxas, Magpet

Antipas, Pres. Roxas, Magpet. TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power...