Monday Nov, 29 2021 05:18:32 AM

Barangay kagawad, kasama niya, patay sa pamamaril sa Maguindanao

Mindanao Armed Conflict • 09:15 AM Wed Oct 27, 2021
190
By: 
DXMS RADYO BIDA
Police conduct probe on the site where two men were shot dead in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. (Photo courtesy of Datu Aliman)

COTABATO CITY - PATAY ANG DALAWA KATAO matapos barilin ng hindi pa natutukoy na salarin pasado tres ng hapon kanina sa Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang mga biktima na sina Barangay Kagawad Mansor Andil, at Aliakbar Abdullatip na pawang taga Barangay Pandag sa bayan ng Pandag, Maguindanao.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Datu Odin Sinsuat PNP sa pangunguna ni PLt.Col Romel Dela Vega, sakay ng HONDA 150 ang dalawang biktima nang buntutan sila ng hindi nakikilang mga suspek sakay ng hindi naplakahang motor.

Hindi na nagawang maisugod sa hospital ang dalawa matapos na sila ay agad bawian ng buhay.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng caliber .45 pistol.

SA panayam ngayong umaga kay Maguindanao PNP spokesperson Lt. Fayeed Cana, sinabi nito na namataan ang dalawa sa Poblacion Dalican at may kaduda-dudang kilos.

Only 17 new COVID-19 infections in Region 12, zero fatality

Regional COVID-19 tracker as of November 28, 2021 (6:00 PM) SEVENTEEN (17) NEW CONFIRMED CASES SIX (6) NEW RECOVERIES NO NEW COVID-19...

Bong Go hails release of funds for health worker's compensation, benefits

Senator Christopher “Bong” Go shared that President Rodrigo Duterte instructed the release of additional budget to compensate healthcare workers (...

3 persons, including a senior and a minor survive electrocution

MLANG, North Cotabato – Nagpapagaling na ngayon ang maglola makaraang makuryente sa Barangay Bagontapay, Mlang North Cotabato . Ayon sa...

More towns get BARMM-funded town hall projects

COTABATO CITY - Three more towns got municipal building projects worth P25 million each from the Bangsamoro administration, meant to boost...

Cotabato Light starts sending consumers' power bill via SMS, email

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has started using eBillTxt to manage account bills with ease of its clients. Consumers are...