Tuesday Jun, 15 2021 04:38:26 AM

Banta ng Covid nariyan pa, publiko pinag-iingat pa din sa South Cotabato

HEALTH • 16:00 PM Fri Feb 5, 2021
281
By: 
RADYO BIDA KORONADAL

Publiko pinagiingat ni South Cotabato Provincial health officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. dahil sa patuloy pa ring banta ng COVID-19

KORONADAL CITY- Mula 1,221 noong January 1, umabot na sa 1,362 ang COVID-19 cases sa lalawigan ng South Cotabato noong February 3.

Ibig sabihin nito 241 ang nadagdag sa mga nahawa ng virus sa lalawigan sa nakalipas lamang ng tatlumput apat na araw. Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr., ito ay patunay na nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 sa lalawigan. Kaya ayon kay Aturdido hindi pa rin maaring maging kampante ang publiko.

Binigyan diin ni Aturdido na hindi pa 100 pecent na ligtas sa COVID-19 ang lalawigan. Umaasa din ito na makalipas ang sampung buwan kung kelan naitala ng COVID-19 cases sa South Cotabato ,naisapuso na rin ng publiko ang minimum health protocol.

Ang mga ito ay ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemask o face shield at pagsunod sa physical distancing. Dinagdag din ni Aturido na makatutulong din sa pagiwas sa COVID-19 ang palagiang pabubukas ng mga opisina o bahay para magkaroon ng “air exchange.”

Pinayuhan din nito ang mga mamamayan na tiyaking tama ang mga impormasyong paniniwalaan dahil ang maling paniniwala ay mas makapagpapalala pa san problema sa COVID-19. Ang integrated provincial health office ay nakapagtala ng 1,243 COVID-19 recovery sa South Cotabato. Pero ang nakakalungkot ayon kay Aturdido 34 naman ang binawian ng buhay dahil sa COVID 19 matapos madagdagan ng pito ang 27 na kanilang naitala noong January 1.

Mag 5.9 quake jolts mainland Mindanao, 7 aftershocks recorded

COTABATO CITY - An intensity 5.9 earthquake rocks mainland Mindanao Monday night with its epicenter found in Bukidnon, the state volcanology...

NDBC BIDA BALITA (June 14, 2021)

HEADLINES: 1.   Dating North Cotabato Board Member Roly Sacdalan, positibo sa Covid, naka isolate ngayon sa Kidapawan 2 ...

COVID 19 UPDATE: 368 patients recover, 280 new infections, 10 deaths

COTABATO CITY - Regional COVID-19 tracker as of June 14, 2021 (6:00 PM) TWO-HUNDRED-EIGHTY (280) NEW CONFIRMED CASES THREE-HUNDRED-SIXTY-EIGHT...

After days of silence, Magpet mayor admits he is COVID-19 positive

KIDAPAWAN CITY - Mayor Florenito Gonzaga today admitted he was positive for COVID-19, days after he was not seen at the mayor's office and rumored to...

8 Abu wanted Abu Sayyaf members arrested in Jolo 

COTABATO CITY --- A combined military-police team arrested eight wanted Abu Sayyaf members, one of them a minor, in an operation in Jolo town in...