Bangsamoro, top 2 sa CPA board examination
IPINAGMAMALAKI ngayon ng taga Bayang sa Lanao del Sur ang isang Maranao na rank number 2 sa katatapos lang na licensure examination for Certified Public Accountant o CPA.
Si Rayhanah Nuesto Decampong na nakakuha ng rating na 89.33 percent ay nagmula sa Brgy. Moriato Diwan sa bayan ng Bayang.
Nagtapos ito sa De La Salle University sa Manila.
Nagpaabot naman ng pagbati ang Lanao del Sur Provincial Government at ang Bangsamoro Government kay Decampong at sa kanyang pamilya.
Ang top 1 ay mula sa University of Cordilleras sa Baguio City na si Alexander Salvador Centino Bandiolan Jr na anak ang isang taxi driver ay nakakuha naman ng 89.50 percent.
Isa ring tubong Mindanao ang pasok pa sa top 10.
Siya ay si Shania Rose Alfeche Lozana na nagtapos naman sa Mindanao State University- Iligan Institute of Technology sa Iligan City.
Pumwesto ito bilang number 4 sa may pinakamataas na rating na nakakuha ng 88.83 percent.
Ayon sa Professional Regulation Commission o PRC, 2, 239 ang pumasa sa naturang pagsusulit mula sa 7, 376 examinees.