Thursday Sep, 28 2023 07:33:13 PM

Bangsamoro READi nakilahok sa TABANG Bangsamoro sa Lamitan, Basilan

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 21:15 PM Fri Sep 30, 2022
330
By: 
Jennifer Tan-Sia/ READi-BARMM

BASILAN - Nakiisa ang Bangsamoro READi ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) sa Convergence activity ng Bangsamoro Regional Government sa pangunguna ng Project TABANG ng Office of the Chief Minister sa paghatid ng services ng regional government sa probinsya ng Basilan ngayong araw ng Biyernes, 30 September 2022.

Mismong si Chief Minister Ahod B. Ebrahim, kasama ang kanyang mga gabinete, ang nanguna sa programa na dinaluhan ni Governor Jim Hataman ng Basilan, Mayor Roderick Furigay ng Lamitan at iba pang mga Local Chief Executives ng Basilan.

Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi ng tulong ang Bangsamoro READi sa mga Internally Displaced Persons (IDPs) ng Barangay Ulitan, Ungkaya Pukan, Basilan. Sa pakikipagtulongan ng local Social Services and Development nabigyan rin ang mga nangangailangang residente sa ibat-ibang bahagi ng Basilan.

Samantala, ang ibang Ministry naman ay dinala din ang serbisyo nila tulad ng MILG na nilagdaan na ang ibat-ibang infrastructure projects tulad ng ilalagak na Public Market Building para sa Siyudad Lamitan at munisipyo ng Al-Barka.

Nilagdaan din ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa operation at maintenance ng desalination machine para sa Munisipalidad ng Tabuan Lasa na magco-convert ng tubig-dagat para maging ligtas na tubig-inumin.

Ang Bangsamoro TABANG ay may temang “Bringing the Bangsamoro Government closer to the People." Ayon kay Chief Minister Ebrahim, ito din ang layunin ng Project TABANG— ang mapalapit ang serbisyo ng Bangsamoro Government sa mga tao. Dagdag pa nya, ito ay taunan nang ginagawa ng BARMM government, subalit naantala ito noong 2020 at 2021 dahil sa pandemya. Kaya naman nitong taon na bahagyang bumaba na ang kaso ng Covid-19, agad nyang pinagpatuloy ito.

Aasahang ang TABANG Bangsamoro ay magpapatuloy sa iba pang parte ng Bangsamoro Autonomous Region ngayong taon.

MILG infra programs intensified for LGUs to sustain peace, improve governance

COTABATO CITY  – The Ministry of the Interior and Local Governments of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MILG-BARMM) has...

MagNorte employees say they are regularly paid, ask they be spared

COTABATO CITY - The Provincial Employees Association of Maguindanao del Norte (PEA-MDN) has issued a statement denying claims by Basilan Rep. Mujiv...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...