Army IG Maj. Gen. Roy Galido, itinalagang bagong hepe ng 6th Kampilan division
ITINALAGA ng Malacañang si Army Chief of Staff and concurrent Army Inspector General Maj. Gen. Roy M. Galido bilang bagong full time commander ng 6th Infantry Division kapalit ni acting 6th ID commander na si Major Gen. Roberto Capulong.
Parehong kabilang sa Class ’90 ng Philippine Military Academy si Galido at Capulong.
Si Capulong ang pansamantalang pumalit kay Major Gen. Juvymax Uy na nag-retire noong May 2022. Si Uy ay kabilang sa PMA Class ’89.
Hindi bago si Maj. Gen. Galido sa AOR ng 6th ID dahil matagal din siyang naasign dito mula nang siya ay katatapos lang sa PMA.
Nagsilbi siya bilang Task Force Tugis sa Coabato City, naging battalion commander sa PPALMA area, brigade commander bago nalipat sa Camp Aguinaldo, ang kanyang pinakahuling assignment.
Sakop ng 6th ID ang Maguindanao, sultan Kudarat, South Cotabato, bahagi ng Sarangani, bahagi ng Lanao del Sur at bahagi ng North Cotabato.