Sunday Sep, 19 2021 09:49:11 AM

Abogado, patay sa pamamaril sa Surallah, South Cotabato

Breaking News • 20:30 PM Wed Sep 15, 2021
328
By: 
Edwin O. Fernandez
File photo from IBP South Cotabato/Gen.Santos City chapter

KORONADAL CITY - Binaril at napatay ng di pa nakilalang mga suspect ang isang abogado sa Surallah, South Cotabato pasado alas 5 ng hapon Mierkules. 

Nakilala ang biktima Atty. Juan Macababbad kung saan pinagbabaril ng dalawang suspek sa harap mismo ng kanyang bahay sa Surallah.

Kinumpirma din ito ni IBP South Cotabato chapter president Lawyer Remegio Roxas at kinundina ang mga gumawa nito.

Hiling ni Atty. Roxas at mga kapuwa abogado sa lalawigan sa PNP na kilalanin at arestuhin ang mga suspect, pati na ang utak sa pagpatay.

Hindi pa tukoy ng mga otoridad ang motibo.

Si Atty. Macababbad ay kilala bilang abogado ng bayan dahil kalimitan ay pro-bono o libre ang serbisyo nito sa mga mahihirap na mamamayan.

Siya ay kumandidato noong 2019 local elections sa Surallah bilang vice mayoral candidate pero siya ay nabigo.

Si Atty. Macababbad ay kasapi ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL) at IBP-South Cotabato chapter.

SA PANAYAM NG RADYO BIDA KORONADAL ngayong umaga kay Surallah town police chief Major Romy Castañares, sinabi nito na tatlo ang mga suspect na may kinalaman sa pagpatay kay Atty. Macababbad.

Ang pamamaril ay naganap sa Zone 2B, Barangay Libertad Surallah.

Ayon kay Castañares, nagkunwaring kliyente ni Atty. Macababad ang isa sa tatlong mga suspect na sakay ng motor.

Nakuha ng PNP ang isang folder na dala ng isa sa mga biktima na naiwan sa crime scene.

Kinumpirma din ni Castañares na nakatatanggap ng death threat si Macababad na may kaugnayan sa kanyang trabaho.

Pitong empty shell ng cal. 45 pistol ang nakuha sa harap ng bahay ng pinaslang na abogado.

 

 

Soccsksargen has 446 new COVID-19 infections

COTABATO CITY - Regional COVID-19 tracker as of September 18, 2021 (6:00 PM) FOUR-HUNDRED-FORTY-SIX (446) NEW CONFIRMED CASES FOUR-HUNDRED-...

8 hurt in Maguindanao blast

CAMP SIONGCO, Maguindanao - Eight villagers got hurt in an explosion that ripped through a covered court in the town proper of Datu Piang on Saturday...

12 die in GenSan as Region 12 records 432 new COVID-19 infections

COTABATO CITY - Regional COVID-19 tracker as of September 17, 2021 (6:00pm) FOUR-HUNDRED-THIRTY-TWO (432) NEW CONFIRMED CASES FIVE-HUNDRED-...

5 men yield P102-K shabu in Maguindanao

COTABATO CITY – Five persons, including a minor, were arrested while PHP102,000 worth of suspected shabu was seized during an operation at a...

BARMM leaders welcome passage of HB 10121

COTABATO CITY — The House of Representatives (HoR) approved on third and final reading House Bill 10121 that aims to reset the 2021 parliamentary...