Thursday Apr, 25 2024 03:25:18 AM

8 Tedurays recruited to become soldiers for a fee, now in Bulacan

Local News • 09:15 AM Sat Jul 24, 2021
736
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato

KINILALA ng Bulacan PNP ang mga biktima na sina Nilo Timpadan Jr, Renato Amay, Jandy Ricardo, Benzar Cornelio, Benjie Ulobalang, Aladin Mosarta, Lino Montebayen lahat sila taga Barangay Bual Badak, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa Bulacan PNP, humingi sa kanila ng tulong ang mga biktima dahil ilang araw na silang walang kinakain at nakakaranas na ng matinding pagkagutom sa Brgy. Gayagaya, Bulacan matapos inabandona ng kanilang recruiter.

Kaagad rumisponde ang mga tauhan ng Bulacan police at na-rescue ang mga biktima.

Sa panayam ng Radyo Bida ngayung umaga sa isa sa walong biktima nasi Nilo Clemente Jr. sinabi nitong pinangakuan silang ipapasok bilang isang sundalo kapalit ng P35,000 bawat isa.

Madali silang nagtiwala dahil kamag-anak nila ang suspek na si Master Sgt. Delbert Diwan.

Pebrero ng kasalukuyang taon pa sila nakatira sa mismong bahay ng suspek pero matapos matanggap ni Diwan ang pera ay hindi na ito nagpakita pa.

Abot naman sa P393,000 ang halaga ng pera ang tinangay ng suspek sa mga biktima.

Labis ang panghihinayang ng mga biktima dahil maging ang mga motor at kanilang lupa ay naibenta na nila.

Ihihayag pa ni Nilo na may apat pa silang mga kasamahan na ni-recruit din ng suspek at lima lamang sa mga kanila ang na rescue ng mga pari sa Pasig City.

Ang kaso ng mga biktima ay ililipat sa Maguindanao PNP dahil dito naman sa lalawigan nangyari ang transaksyon.

Samantala, sinabi sa Radyo Bida ni Ministry of Indigenous People's Affairs o MIPA-BARMM legal officer Atty. Mona Diragen na nakatakdang lumipad sa Bulacan ngayung araw ang team MIPA para personal na iabot ang cash assistance at kaukulang tulong para sa mga biktima.

Sa panig naman ng Army, sinabi ni 6th ID spokesperson John Paul Baldomar na huwag matakot at kaagad ipaalam sa Army kung may mga kahalintulad na pangyayari para kaagad na maaksyunan.

Ayon pa kay Baldomar libre ang proseso sa pagpasok sa Army at hindi sila nagpapabayad.

Cotabato Light announces power interruption for April 30

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced the scheduled power interruption affecting some parts of Barangay Macaguiling, Sultan...

Over P65-M shabu destroyed in Sulu: PDEA

COTABATO CITY - The Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office (PDEA-BARMM) destroyed more than 11 kilos of dangerous drugs with a...

DENR-12, partners kick off tree planting efforts in Sarangani tree park

KIAMBA, Sarangani Province – A total of 300 native tree seedlings were planted on Monday, April 22, by the DENR Community Environment and Natural...

Army gets 5-hectare land for new Basilan camp

COTABATO CITY - The Lamitan City government on Tuesday donated to the Philippine Army a five-hectare land for a camp as part of its security and...

Sultan Kudarat to host Miss Universe Philippines national costume competition

The NATIONAL COSTUME COMPETITION of Miss Universe Philippines 2024 will be happening in the majestic land of Sultan Kudarat! Get ready for that and...