75 percent of Region-12's health workers immunized vs. Covid-19: DOH-12
KORONADAL CITY - Nabakunahan na ng Sinovac COVID-19 vaccine ang 6,733 na mga frontline health workers sa region 12.
Ang mga ito ay 75 percent sa kwalipikadong mahigit nine thousand na mga medical professionals at staff ng 23 COVID-19 referral hospitals sa rehiyon. Ang mga ito ay nabigyan ng bakuna sa pitong araw na inoculation na nagtapos noong araw ng Linggo.
Sinabi ito ni Department of Health 12 Health Education and Promotion Officer Arjohn Gangoso.
Nilinaw din ni Gangoso na ilang sa mga nabakunahan ayn nakaranas ng minor side effects.
Kaya ayon kay Gangoso matagumpay ang isinagawang unang bugso ng malawakang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa mga health workers sa rehiyon dahil lumapagpas pa ito sa kanilang inaasahan. Ang region 12 ay may mahigit walong libong doses na allocation ng Sinovac vaccine para sa inisyal rollout sa mga prayoridad na health workers.
Habang dumating naman sa lalawigan noong Lune sang dagdag na 35 thousand doses ng Astrazeneca na magtatapos naman ang pamimigay sa March 22.