Thursday Dec, 01 2022 05:03:41 AM

7 estudyante ng KNCHS na sangkot sa rambol, na-kickout

Local News • 21:45 PM Sat Oct 1, 2022
291
By: 
DXOM-AM Radyo Bida Koronadal
Photo from KNCHS Supreme Student Government

KORONADAL CITY - Kaagad inilipat sa ibang paaralan ng Koronadal National Comprehensive National High School (KNCHS) ang 7 mga estudyante na sangkot sa nangyaring rambol.

Inihayag ni KNCHS Principal Valentin Dignadice sa panayam ng Radyo Bida, na inilipat ang nasabing mga kabataan upang hindi na dumami ang kanilang mga miyembro na kabilang umano sa isang gang.

Hindi niya umano nais gamitin ang salitang "kickout" dahil hindi ito magandang pakinggan.

Layunin aniya nito na mabigyan sila ng pagkakataon na magbago, hindi maungkat ang kanilang nakaraan, at maputol ang koneksyon sa kanilang mga kasamahan na may masamang impluwensya sa kanila.

Ayon kay Dignadice, binigyan rin ang mga ito ng honorable dismissal upang makatulong sila sa pagbabago ng mga ito.

Apela na lamang nito sa mga magulang ng nasabing mga estudyante na huwag silang mainis sa kanilang aksyon dahil nais rin nilang mareporma ang ugali ng mga kabataan, ngunit mapipilitan silang protektahan ang mga inosente kung hindi pa rin sila magbabago.

Marcos gov't committed to protecting journos' rights

MANILA – The Marcos administration is putting a premium on the safety and welfare of media workers in the country, the Presidential Task Force...

2 fall in P3.4-M Lanao del Sur shabu sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P3.4 million worth of shabu from two peddlers entrapped in Wao town in Lanao del Sur Tuesday....

27 NDU graduates pass Civil Engineer Licensure Exams

The NEW CIVIL ENGINEERS from NOTRE DAME UNIVERSITY are: ENGR. ABBAS, AIMAN TAHA ENGR. ANGKAL, EMRAN SALIPADA ENGR. AYOB, ABDUL-HANIFF USMAN...

Red onion harvest in Dec. to help stabilize price: DA

MANILA – Upcoming harvest of red onions in December shall help the supply situation in the country, amid the soaring market prices,...

In Marawi, 2nd wife murdered husband’s 3rd wife

MARAWI CITY  – A 40-year-old woman shot dead a 15-year-old the third wife of her husband in this Islamic City of the Philippines on Monday....