65-anyos na lola, nagtapos ng senior high sa Banga
KORONAAL CITY - Iprayoridad ang pag-aaral sa halip na mawili sa social media.
Ito ang panawagan sa mga millennial ngayon ng 65-anyos na byudang si Lilia Bereber sa panayam ng Radyo Bida.
Iginiit ni Bereber na ang pagkakaroon ng college degree ay susi sa pagkakaroon ng maayos na trabaho.
Si Bereber ay kabilang sa 400 na mga graduates sa Senior High ng Banga National High School sa Banga, South Cotabato.
Ipinahayag nito na isinabay nito ang pag-aaral sa pagbebenta ng mga appliances.
Ayon kay Bereber napagtanto nito na ituloy ang kanyang naudlot na pangarap nang ipatupad ang face-to-face classes dahil sa pandemya.
Ipinagpasalamat din nito ang suporta ng kanyang mga guro at pamilya.
Umaasa naman si Bereber na ma-qualify sa UNIFAST program ng pamahalaan para maipagpapatuloy ang pag-aaral ng komersyo sa kolehiyo.