Saturday Apr, 20 2024 05:35:31 PM

63 law breakers, naaresto sa pinalakas na kampanya ng PNP sa BARMM

Local News • 05:30 AM Fri Sep 23, 2022
471
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato

COTABATO CITY - DAHIL sa mas pinalakas na kampanya ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region o PRO BAR laban sa lahat ng uri ng kreminalidad, abot sa 63 law breakers ang kanilang nadakip.

Sa weekly report ng PRO BAR, sinabi ni PRO BAR Regional Director Brig. Gen. John Guyguyon na kabilang sa kanilang nadakip ang labing tatlong drug suspects.

Nakumpiska sa mga ito ang abot sa higit P611,000 na halaga ng shabu at P18 million pesos na halaga ng marijuana.

Sa mas pinalakas na man-hunt operation ng PNP laban sa mga wanted persons, abot sa 16 ang kanilang naaresto.

Tuloy-tuloy din ang kampanya ng PNP laban sa loosefirearms, nakakumpiska ang mga ito ng abot sa 20 iba't-ibang uri ng baril.

Naharang din ng PNP ang tangka sanang pagpupuslit ng 180 cases ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng higit P2 million.

Pinasalamatan ni General Guyguyon ang Bangsamoro Community na ayon sa kanya may malaking papel para magtagumpay ang PNP sa kanilang operasyon.

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...