Friday Jun, 09 2023 10:55:23 PM

6 BIFF sumuko sa Midsayap, North Cotabato

Mindanao Peace Process • 22:45 PM Mon May 1, 2023
766
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato
Photo from 602nd Infantry Brigade.

COTABATO CITY - Dala ang kanilang matataas na kalibre ng mga baril, nagpasyang sumuko sa pamahalaan ang anim pang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o (BIFF).

Ang mga sumuko ay iniharap ng 34th Infantry Reliable Battalion kay Midsayap town Mayor Rolly Sandalan sa ginanap na turn-over ceremony sa Barangay Salunayan, Midsayap, Cotabato.

Kabilang sa mga matataas na kalibre ng baril na isinuko ay ang isang M14 Rifle, isang Garand Rifle, dalawang 7.62 Sniper Rifle, isang M79 grenade launcher at mga bala ng naturang mga armas.

Ang pagsuko ng kanilang mga baril ay tanda ng kanilang taos-pusong pagtalikod sa kultura ng karahasan at pagyakap ng mapayapang pamumuhay.

Nakatanggap ng agarang tulong pinansyal mula sa LGU Midsayap ang anim na dating combatants na siyang gagamitin nilang panimula sa kanilang bagong buhay kasama ang kanilang mga pamilya.

Bilang karagdagang tulong, ang bawat isa nakatanggap ng hygiene kit, food packs at tig dalawang sakong bigas mula sa Ministry of Social Services and Development o MSSD.

Kasabay ng programa ng Balik-Loob ay ang pagtanggap ni Lieutenant colonel Rey Rico ng sampung Commercial Hand-Held Radio mula kay Honorable Rolando Sacdalan at Mr. Elino Vergara Jr., Pangulo ng PPALMA Citizen Against Crime and Violence.

Ipinahayag ni 602nd Infantry Brigade Commander Brigadier General Donald Gumiran ang kanyang paghanga sa mga dating rebelde.

Hinikayat din nito ang mga natitira pang mga kasapi ng BIFF na lisanin ang grupo at magbalik loob na rin sa pamahalaan.

2 GROs nabbed for illegal drug use

KABACAN, North Cotabato – Police arrested two women who were caught in the act of sniffing prohibited drugs inside a beerhouse in Barnagay Osias at...

Abrogar welcomes new TESDA director general Mangudadatu, says agency is in good hands

KORONADAL CITY – The new director general of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-12) has been a strong partner of TESDA-...

Maguindanao del sur teacher hurt in ambush

SUGATAN ANG isang guro matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Sitio Matalam, Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao...

Comelec: No more extensions of SOCE filing deadline

MANILA — The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday said it will no longer grant extensions on the deadline for the filing of statements...

BARMM governors launch `caucus' as peace, development platform

COTABATO CITY --- Five of the six provincial governors in the Bangsamoro region have agreed to work together for peace and sustainable development...