5 arrested, drug den dismantled in Cotabato City anti-drug ops
COTABATO CITY - NAARESTO ANG LIMA KATAO sa buy bust operation ng mga otoridad sa Purok, Silangan, Datu Balabaran Mother Barangay, Cotabato City kahapon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Nash Datumanong Taup alias Nhas/Nash, Saida Angkal alias Saida, 42, Mohammad Kamsa alias Fren, 22, Nasser B. Ungkakay alias Nas, 65, at Alidin A. Alon alias Alidin, 27-anyos.
Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA BARMM katuwang ang CCPO-PS3, PNP Maritime Group, Joint Task Force Kutawato at HPG-BAR.
Nakuha sa mga ito ang 17 pieces ng sachet ng shabu na may bigat na 16 grams at nagkakahalaga ng P108,800.
Kasama rin sa nakuha ang drug paraphernalia, buy-bust money, apat na units ng mobile phone at identification cards o IDs.
Kakasuhan ang mga suspek ng violation of Republic Act 9165 at sila ay nasa kustodiya na ngayon ng PDEA BARMM.