44 health personnel of Koronadal City Health Office undergo isolation
HEALTH • 15:45 PM Mon Sep 7, 2020
1
By:
DXOM-AM RAdyo Bida Koronadal
KORONADAL CITY -- Naka-quarantine na ngayon ang 44 na mga medical health workers at personnel ng Koronadal City Health office matapos na kanilang makasalamuha sa trabaho ang apat nilang mga kasamahan na unanG nagpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma ito ni Koronadal City Health chief Dr. Edito Vego.
Aniya stable naman ang kalagayan ng mga ito habang naka-isolate at karamihan halos ay asymptomatic.
Ginagawa na rin ang contact tracing sa mga taong kanilang nakasalamuha, lalo na ang kanilang pamilya at mahal sa buhay.