Thursday Sep, 28 2023 12:58:30 PM

4 pulis sugatan sa pag=-atake ng BIFF sa Datu Salibo

Mindanao Armed Conflict • 08:00 AM Tue Aug 29, 2023
304
By: 
DXMS

APAT na mga pulis ang sugatan matapos na salakayin ng pinaniniwalaang kasapi ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang isang police detachment sa Barangay Pagatin, Datu Salibo, Maguindanao del Sur kagabi.

Ayon kay Datu Salibo police station chief Capt. Ramillo Serame sa panayam ng DXMS Radyo Bida, ang mga nasugatang pulis ay mga kasapi ng 1402nd Regional Mobile Force Company na nakatalaga sa roadside detachment sa Barangay Pagatin.

Naganap ang harassment pasado alas 6 kagabi.

Agad na tumakas ang mga suspect nang gumanti ang mga police, ayon kay BARMM police regional director Brig. Gen. Allan Nobleza.

Aniya ang mga sugatan na sina Patrolman Abdul Lipuas, Patrolman Alesona Makasandig at Corporal Fernan Andres ay agad dinala sa pagamutan sa Midsayap, North Cotabato. Isa pa ang sugatan subalit minor injuries lang ang natamo.

Naniniwala si Nobleza na may mga sugatan din sa mga umatake dahil nakita ang bakas ng dugo sa lugar na kanilang dinaanan sa pagtakas.

 

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...