Monday Nov, 28 2022 12:03:52 PM

4 patay sa serye ng shooting sa Cotabato City kagabi

Local News • 08:30 AM Tue Nov 22, 2022
128
By: 
DXMS RADYO BIDA
Dalawa sa mga suspect na nakipagbarilan sa mga police sa Cotabato City. (contributed photo)

COTABATO CITY - NASAWI ANG APAT NA MGA LALAKI SA MAGKAKAHIWALAY na shooting incident sa Cotabato City kagabi.

Mga alas 6 ng gabi, binaril at napatay ng di pa nakikilalang mga suspect si Norhamin Usman Guiadel alias “Datu Nhot,” 23 taong gulang na taga Barangay Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Nangyari ito sa Dorotheo Street, di kalayuan sa police station 1 headquarters sa Barangay Poblacion 6.

Sinabi ni Police Station 1 Commander Capt. Kenneth Rosales na ang biktima ay binaril ng mga naka-motor na gamit ang caliber .45 pistol.

Makalipas ang ilang minuto, may binaril din sa Minute Burger outlet sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosary Heights 10.

Kinilala ni CCPO Spokesperson Lt. Colonel Carmelo Mungkas ang nasawi sa Rasiden Angas at isang babae ang sugatan.

Aniya, ilang minuto pa ang nakalipas, ay binaril ang isang kawani ng Bangsamoro Transition Authority, na kinilala ng pulisya na si Rahib Payapat, 40 taong gulang na taga Barangay Bagua 2, Cotabato City habang minamaneho ang kanyang Toyota pick-up vehicle.

Si Payapat ay isinugod ng PNP sa ospital at nagpapagaling.

Suspect sa pamamaril ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na nakipagbarilan sa mga tauhan ng PNP habang ginagawa ang pursuit operation.

Nangyari ito malapit sa kanto ng Sinsuat at Gov. Gutierrez Avenues.

Nakilala ang mga nasawing mga suspects na sina Naif Kasim, 22 taong gulang at taga Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City at Lakmudin Mohammad, 26 ng Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City.

Sinabi ni Lt. Colonel Mungkas na ginagawa ng PNP ang lahat upang hindi makalusot ang mga masasamang loob.

Isang patunay aniya na alert ang PNP dahil napatay ang riding in tandem suspects.

Nananawagan ngayon ang Cotabato City PNP na imbes na batikusin sila ay makipagtulungan nalang upang hindi na lumaganap pa ang iba't ibang krimen.

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...

3 CAFGU slain, 2 others hurt in gun attack in Maguindanao del Norte

CAMP SIONGCO, Maguindanao  – Three militiamen were slain and two others were injured in a gun attack at about 1:20 a.m. Monday in Buldon,...

2 suspects in bus bombing killed in shootout

COTABATO CITY - The couple tagged in the November 6 bombing of a bus in Tacurong City who resisted arrest when policemen tried to arrest them...

Cotabato Light announces NGCP initiated power service interruption Nov. 27

What: NOTICE OF NGCP POWER INTERRUPTION When: Sunday, November 27, 2022 Time: 6:30 - 7:00 AM | 3:00 - 3:30 PM Affected areas: Whole Cotabato...