Thursday Feb, 22 2024 01:19:19 PM

3 nabbed in Polomolok anti-drug operation

Local News • 16:00 PM Wed Mar 15, 2023
527
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

KORONADAL CITY - Kulungan ang bagsak ng tatlo katao matapos makumpiskahan ng mga otoridad ng mahigit P377,000 na halaga ng iligal na droga sa Polomolok, South Cotabato.

Kabilang sa mga naaresto ang target sa anti-illegal drug operation na si Ramil Ramos alyas “Mil”, 42 anyos, photocopying machine technician at supplier.

Ayon kay Polomolok Chief of Police Lt.Col. Joseph Forro III, arestado rin ang mga kasabwat nitong sina Fernando Amper Jr., alias “Tata” 47 anyos, isa ring photo copying machine technician at Peter Babael alyas “Pit” 56 anyos,garbage collector.

Ang nasabing mga drug suspect na pawang mga nakatira sa Davao City ay nakorner ng mga pulis at PDEA agent sa Barangay Silway 8, Polomolok.

Ito ay matapos magbenta ng iligal na droga sa kanilang asset.

Nakumpiska ng mga ito sa mga suspek ang isang malaking sachet ng suspected shabu; dalawang P1,000 marked money at 120 na piraso ng pekeng P100-peso bill na ginamit nilang boodle money.

Ang arestadong mga drug suspek ay kinasuhan na ng Polomolok PNP ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

OPAPRU assures corruption has no place in MILF decommissioning process

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) assured that it would not tolerate irregularities in...

CIDG agents arrest in North Cotabato 2 men wanted for illegal drugs, murder in BARMM

PIGCAWAYAN, North Cotabato - KAKALABAS pa lamang sa pagamutan ng dalawang mga wanted persons nang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation...

Senator asks OPAPRU to ensure MILF combatants' proper use of cash aid

MANILA – Senator Raffy Tulfo has asked the Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) to include in the...

Lalaki, huli sa anti-drug ops sa Ampatuan

NAARESTO ang isang lalaki na sangkot sa iligal na droga sa Ampatuan, Maguindanao del Sur. Kinilala ang suspek an si Elias Depedro Lacibal Jr, 42...

Grenade attack in Aguak Army detachment, a retaliation from DI, says Army

SHARIFF AGUAK, Maguindanao Sur - PAGHIHIGANTE ang motibo sa paghagis ng granada sa loob ng CAFGU patrol base sa Brgy. Timbangan, Shariff Aguak,...