Wednesday Jul, 28 2021 09:32:41 AM

3 mekaniko, sugatan sa pamamaril sa Polomolok, South Cotabato

Peace and Order • 08:45 AM Mon Jul 12, 2021
245
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

POLOMOLOK, South Cotabato – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP hinggil sa panibagong insidente ng pamamaril sa Purok 1, Brgy Lapu, Polomolok, South Cotabato pasado ala-1:40 kahapon.

Kinilala ni Polomolok PNP deputy cheif Lt. Reden Cuevas ang mga biktima na sina Usdad Cossain, 55 anyos, Jerome Retuta, 29 anyos, at Peter Espada, 41 anyos, pawang mga mekaniko at residente ng nasabing lugar.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP na ang mga biktima ay binaril ng mataas na kalibre ng armas habang abala sa pagaayos ng Nissan pickup truck sa parking area ng kanilang kliyente sa nasabing lugar.

Matapos ang krimen, ang mga suspek ay agad na tumakas sakay ng motorsiklo patungong Barangay Bentung Sulit..

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang 12 basyo ng 5.56mm na baril.

Ang mga sugatang biktima ay isinugod sa Polomolok Municipal Hospital pero sila ay agad na inilipat sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

Ayon kay Cuevas, posibleng may kaugnayan sa trabaho ang motibo sa nasabing pamamaril.

Inaalam pa ng Polomolok PNP ang identities ng mga suspect.

 

 

11 BIFF yield to Army in Maguindanao

AMPATUAN, Maguindanao  – Eleven outlawed Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) have separately surrendered voluntarily on separate...

Former 6th ID commander, ex-board member, pumanaw na

KORONADAL CITY - Itinuturing na isang malaking kawalan para sa lungsod ng Koronadal ang pagpanaw ng isa sa mga nirerespetong opisyal ng City Anti-...

Cook, huli sa anti-dug operation sa Koronadal

KORONADAL CITY - Balik kulungan ang isang drug surrenderee na under probation at nakinabang sa plea bargaining agreement ng korte matapos...

BARMM has 192 new peacekeeper cops

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao  - A total of 192 new graduates of police courses are now added to the forces in the Bangsamoro Region in Muslim...

2 die in South Cotabato highway mishap

KORONADAL CITY - Patay ang dalawang katao matapos masangkot sa aksidente sa national highway ng Barangay Palian, Tupi, South Cotabato....