Monday Nov, 28 2022 02:05:19 PM

3 BIFF nagbalik-loob sa Maguindanao del Sur

Mindanao Peace Process • 10:30 AM Fri Nov 18, 2022
172
By: 
6th ID Public Affairs Office

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Tatlong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters – Karialan Faction ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa Brgy. Zapakan, Radjah Buayan, Maguindanao hapon nitong Miyerkules (Nobyembre 16).

Bitbit ang kanilang mga armas ay sumuko sa tropa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion ang tatlong mga BIFF sa tulong na rin ng barangay opisyal sa lugar at ng pamahalaang lokal ng Radjah Buayan.

Kabilang sa mga baril na kanilang isinuko ay ang isang Garand Rifle at dalawang Carbine Rifle.

“Nangangamba sila sa kanilang kaligtasan dahil sa mas pinalakas na capabilities ng ating Sandatahang Lakas ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nagbalik-loob sa pamahalaan at iwinawaksi na nila ang kanilang armadong pakikibaka”, pahayag ni Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., ang Commanding Officer ng 33IB.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang panawagan ni Major General Roy Galido, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa mga natitira pang BIFF na biktima ng sirkumtansya at panlilinlang na magbalik-loob na sa gobyerno upang maiwasan na gumamit pa ng pwersa ang militar laban sa mga ito.

“Handa ang ating pamahalaan na tanggapin kayo at bigyan ng kaukulang tulong para makapagsimula kayo ng bagong buhay”, wika ni Maj. Gen. Galido.

Sa ngayon umaabot na sa 178 ang bilang ng mga sumukong BIFF mula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...

3 CAFGU slain, 2 others hurt in gun attack in Maguindanao del Norte

CAMP SIONGCO, Maguindanao  – Three militiamen were slain and two others were injured in a gun attack at about 1:20 a.m. Monday in Buldon,...

2 suspects in bus bombing killed in shootout

COTABATO CITY - The couple tagged in the November 6 bombing of a bus in Tacurong City who resisted arrest when policemen tried to arrest them...