Thursday Apr, 25 2024 08:12:35 PM

2 sugatan sa pagsabog ng pinaniniwalaang granada sa Pikit

Peace and Order • 17:45 PM Fri Oct 7, 2022
614
By: 
DXND Radyo Bida with reports from John Unson
Photo courtesy of Abby Regulacion

KIDAPAWAN CITY - Dalawang lalaki ang sugatan sa tila walang tigil na karahasan sa Pikit, North Cotabato.

Ngayong hapon, isang pinaniniwalaang granada ang sumabog di kalayuan sa Cruzado clinic sa Poblacion Pikit na ikinasugat ng dalawang lalaki, kabilang ang isang senior citizen.

Ang larawan sa ibaba ay lugar malapit sa pinagsabugan ng pinaniniwalaang granada at ang isa sa mga biktima.

Sinabi ni Pikit town police chief Maj. Maxim Peralta sa panayam ng DXND Radyo Bida Kidapawan na isinasagawa pa ang imbestigasyon sa naganap na pagsabog pasado alas dos ng hapon.

Kinilala ni Maj. Peralta ang mga biktima na sina Pangatong Abdulraud Mustapha, 29 years old na residente ng Barangay Lagunde at Reformido Regulacion, 64 anyos na residente ng Barangay Poblacion, Pikit, Cotabato.

Sa impormasyon mula sa mga biktima, sila ay nasa motorshop nang mga sandaling iyon nang biglang may naghagis ng granada na siyang dahilan ng kanilang pagkakasugat.

Sa imbestigasyon, lumabas na ang sumabog ay isang MK2 fragmentation grenade.

Agad namang tumakas ang mga suspect sakay ng motor.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.

 

May be an image of 5 people and text

May be an image of 6 people, bicycle, tree and outdoors

Kaninang umaga, sugatan ang dating CAFGU na nakilalang si Rodolfo Gornez, 74 na taong gulang.  Sakay siya ng motor at bumibiyahe sa provincial road ng Barangay Manaulanan nang basta na lang paputukan ng mga suspect na sakay ng hiwalay na motor.

Si Gornez na nagtamo ng minor injuries ay dinala sa Cruzado medical clinic habang ang driver nito nA si Abdul Salim Garica ay nakaligtas.  

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...

300 pamilya, lumikas dahil sa bakbakan ng dalawang armed groups sa Pigcawayan

LUMIKAS ang nasa 300 mga indibidwal mula Barangay Banucagon, Pigcawayan, Cotabato nang sumiklab kahapon ng hapon ang bakbakan sa pagitan ng dalawang...

Cotabato Light announces power interruption for April 30

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced the scheduled power interruption affecting some parts of Barangay Macaguiling, Sultan...