2 patay sa pamamaril sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao
Breaking News • 10:15 AM Mon Nov 21, 2022
609
By:
DXMS RADYO BIDA/Drema Quitayen Bravo
Larawan mula kay H. Mohammad
DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Patay ang dalawang lalaki na sakay ng kulay berde na Toyota Vios matapos na sila ay ambusin alas 8:40 ng umaga kanina sa Barangay Margues.
Sinabi ito ni Datu Odin Sinsuat town police chief Lt. Colonel Nelson Madiwo sa maikling phone interview ng DXMS Radyo Bida sa kanya.
Ang dalawa ay sakay ng walang plate numger na kotse na bumanggap sa isang bahay sa gilid ng kalsada.
Kasalukuyan pang pino-proseso ng scene of the crime operatives ang pinangyarihan ng pamamaril.
Sa initial report ng PNP, sinasabing bahagi ito ng drug buy bust operation.