2 minors, ginahasa at pinatay diumano sa Davao del Sur, suspect taga Pigcawayan
POSIBLENG GINAHASA na, pinatay pa ng kanila mismong stepfather ang dalawang menor de edad sa Barangay Darong, Sta. Cruz Davao del Sur madaling araw kahapon.
Kinilala ng Sta. Cruz PNP ang suspek na si Jessie Bon Palomo na tubong Pigcawayan, North Cotabato.
Lumabas sa imbestigasyon ng PNP, ala una ng madaling araw kahapon nang makarinig ang witness na si alyas Ronel ng sigaw at paghihingi ng tulong ng mga batang babae.
Pero alas 5 na ng umaga nagawang alamin ni Rodel bakit nagsisigaw ang mga bata. Nadiskubre niya sa loob ng hindi naka-lock na bahay ang duguang mga batang babae.
Agad nagreport sa PNP si Ronel. Ang Sta Cruz PNP ay nakipag-ugnayan sa iba pang police unit para i=-check ang mga bus na patungong Cotabato City. Siya ay naharang habang sakay ng bus sa Banisilan, North Cotabato.
Nakuha di sa suspect ang isang 12 gauge shot gun at shabu.
Ayon sa PNP, ang mga biktima na nagkakaedad ng 11 at 15 taong gulang ay naninirahan kasama ang kanilang stepfather sa naturang bayan habang ang kanilang nanay ay nasa Saudi bilang OFW.
Inaalam pa ng PNP ang motibo at paraan ng pagpatay sa mga biktima.