2 IEDs explodes as Gov. Mangudadatu's convoy passes by in North-South Upi area
NABALAM ANG DALOY NG TRAPIKO sa highway mula South Upi patungong North Upi matapos na dalawang roadside bomb ang sumabog sa Barangay Nangi habang dumadaan ang convoy ni Maguindanao reelectionist Gov. Bai Mariam Mangudadatu.
Ligtas naman ang mga kandidato pero may report na isa sa supporter ng kandidato sa pagka board member ang nasaktan.
Nagkaroon pa ng putukan dahil may namataang mga armadong tao sa itaas na bahagi ng highway.
Ayon sa pahayag ng kampo ni Mangudadatu, dalawang IED ang sumabog na sumira sa metal at concrete roadside railings.
Iniulat ng PNP na naganap ang pagsabog sa Barangay Nangi bago mag alas 5 ng hapon kahapon.
Sinabi ni Maguindanao police spokesperson Capt. Fayeed Cana na nasugatan ang isang Abduraof Usman na taga suporta ni candidate for board member Nathaniel Midtimbang.
Ito, ayon kay Cana, ay posibleng election related.