2 die in Koronadal shooting
KORONADAL CITY - DALAWA KATAO ang nasawi sa magkahiwalay na shooting incident sa lungsod ngayong araw.
Alas 6:30 kanina gumaga ay nasawi ang isang drug surrenderee, kinilala sa pangalang Samuel Guanzon, 42 years old matapos barilin ng di pa nakilalang mga suspect habang ito ay nasa tayo sa tapat ng isang tindahan sa Purok Everlasting, Barangay Avancena, Koronadal City.
Ayon sa pahayag ni alias "Abner" sa Radyo Bida Koronadal, nakarinig siya ng mga putok ng baril alas 6:30 ng umaga at nang siyay lumingon nakita niyang bumulagta na sa lupa ang biktima na isang dating drug surrenderee.
Agad na tumakas ang mga suspect matapaos ang krimen sakay ng motorsiklo.
SAMANTALA, makalipas ang ilang oras, binaril at naptay din ang isang dispatcher habang nakaupo sa isang kapehan sa Gensan drive, Barangay Zone 2, Koronadal City.
Kinilala ang biktima na si Joel Agustin, 59 taong gulang na dispatcher at tricycle driver.-0-