Thursday Sep, 28 2023 01:15:57 PM

2 biktima ng pamamaril sa DOS, Maguindanao Norte

Mindanao Armed Conflict • 07:30 AM Sat Sep 9, 2023
283
By: 
DXMS NDBC

UNANG BINARIL nitong Huwebes ng hapon ang biktimang si Reydan Linas Uga, magsasaka, 28 anyos na residente ng Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Siya ay binaril sa bahagi ng Sittio Mamaan, Barangay Labungan.

Sa initial investigation ng Datu Odin Sinsuat PNP sa pangunguna ni Major Regie Albellera, sugatan ang biktima matapos barilin ng ilang beses.

Tinamaan ang biktima sa kaliwang siko, balikat at pisngi.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

SAMANTALA, patay on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin pasado alas siete kagabi sa Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat.

Kinilala ang biktima na si Datu Marco Lauban, 35 anyos na taga Mother Kabuntalan, Maguindanao del Norte.

Ayon sa Datu Odin Sinsuat PNP, minamaneho ng biktima ang kaniyang Toyota Altis papunta sana sa Cotabato City nang biglang pagbabarilin ng hindi pa tukoy na suspek sa crossing Taviran.

Matinding tama ng bala ang tinamo ng biktima dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.

Caliber .45 pistol ang ginamit sa pamamaril base sa nakuhang basyo ng bala sa crime scene.

On going pa ang imbestigasyon.

Ito na ang ikaapat na kaso ng pamamaril sa bayan sa loob lamang ng anim na araw.

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...