17 katao nasawi sanhi ng dengue fever sa Region 12
KORONADAL CITY - Binawian ng buhay sanhi ng dengue fever ang 17 katao sa SOCCSKSARGEN.
Ang mga ito ay mula sa 1,869 dengue cases na naitala ng Department of health o DOH 12 mula Enero hanggang May 28 o morbidity week 21.
Ipinahayag ito ni DOH 12 Regional Epidemiology and Surveillance Unit Head Dr. Dyan Zubelle Parayao.
Payo naman nin Parayao sa publiko para hindi na lumala pa ang karamdaman agad na magpatingin sa pinakalamapit na ospital.
Ito ay kapag nakaramdam na ng sintomas ng dengue tulad ng lagnat, bleeding sa gums at ilong, at rashes.
Ayon kay Parayao pinakamarami sa mga tinamaan ng dengue sa unang 5 buwan ng 2022 ay mga nasa zero hanggang 10 years old.
Para mapigilan ang pagdami nito, mariin ngayong tintutukan ng DOH ang 64 na mga barangay sa region 12 na may clustering ng dengue cases.
Ang mga ito ayon kay Parayao ay may reported na kaso ng dengue sa magkakasunod na 4 na linggo.