Friday Jun, 09 2023 11:44:41 PM

16 na BIFF nagbalik-loob sa pamahalaan sa Maguindanao Sur

Mindanao Peace Process • 19:45 PM Fri May 12, 2023
489
By: 
6th ID Division Public Affairs Office
Ang mga arams na isinuko ng 16 na BIFF ay nasa pangangalaga na ng Army. (6th ID photo)

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasa kabuoang 16 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na kumikilos sa Maguindanao del Sur ang nagbalik loob sa pamahalaan nitong Huwebes ng umaga (Mayo 11, 2023).

Ayun kay Lieutenant Colonel Michael Glenn Manansala, Commanding Officer ng 6th Infantry (Redskin) Battalion, ang mga rebelde ay boluntaryong nagbalik-loob sa kanila upang muling makapamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang pamilya at komunidad at makatulong sa mga programang pangkapayapaan ng gobyerno ng Pilipinas.

“Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob, itinurnover din nila ang isang (1) M653 Rifle, isang (1) M16 A1 Rifle, isang (1) 60mm Mortar, dalawang (2) Garand Rifles, dalawang (2) Cal. 30 Sniper Rifles, isang (1) Cal. 50 Sniper Rifle, dalawang (2) M79 Grenade Launcher, isang (1) RPG, dalawang (2) Cal. 7.62mm Sniper Rifles, isang (1) M14 at isang (1) bala ng 40mm RPG”, pahayag ni Lt. Col. Manansala.

Dagdag pa rito, sinabi ni Brigadier General Oriel Pangcog, 601st Brigade Commander na apat sa mga ito ay lider at 12 ay mga regular na miyembro ng BIFF-Karialan Faction. 11 sa mga nagsipagbalik-loob ay mula sa pagsisikap ng 6IB habang lima naman sa PNP PRO12.

“Iprenesenta ng 6IB at PNP PRO12 ang dating mga ekstremista kina Mamasapano Mayor Akmad Ampatuan Jr., Atty. Sittie Fahanie Uy – BTA Member, Samsudin Sandigan – Executive Assistant sa bayan ng Datu Salibo, Omar Sisay – Representante sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha kasama ang mga opisyal ng PNP PROBAR at PRO12 sa isang programa na ginanap sa Mamasapano Municipal Hall," pahayag ni Brig. Gen. Pangcog.

Samantala, iniugnay naman ni Major General Alex Rillera, 6ID at Joint Task Force Central Commander, ang pagdagsa ng pagsuko ng BIFF ay resulta ng whole-of-nation approach ng gobyerno para isulong ang kapayapaan.

“Ang kanilang pagsuko ay resulta ng magkatuwang na pagsisikap ng militar, lokal na pamahalaan, at kapulisan sa Central at South Central Mindanao,” ayon kay Maj. Gen. Rillera.

Base sa datos ng 6ID, nitong taon, nasa 84 na mga BIFF ang sumuko habang sampu ang na-nuetralisa. Aabot naman sa 60 high powered firearms, 4 low powered firearms at 27 na pampasabog ang isinuko.

2 GROs nabbed for illegal drug use

KABACAN, North Cotabato – Police arrested two women who were caught in the act of sniffing prohibited drugs inside a beerhouse in Barnagay Osias at...

Abrogar welcomes new TESDA director general Mangudadatu, says agency is in good hands

KORONADAL CITY – The new director general of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-12) has been a strong partner of TESDA-...

Maguindanao del sur teacher hurt in ambush

SUGATAN ANG isang guro matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Sitio Matalam, Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao...

Comelec: No more extensions of SOCE filing deadline

MANILA — The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday said it will no longer grant extensions on the deadline for the filing of statements...

BARMM governors launch `caucus' as peace, development platform

COTABATO CITY --- Five of the six provincial governors in the Bangsamoro region have agreed to work together for peace and sustainable development...