Wednesday Oct, 28 2020 05:08:38 AM

13 BIFF yields to Army in Maguindanao

Mindanao Peace Process • 18:30 PM Wed Jul 15, 2020
569
By: 
News release

Labintatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figther (BIFF) sa ilalim ng Karialan faction ang nagbalik loob sa pamahalaan at sa hanay ng 33rd Infantry (MAKABAYAN) Battalion nitong umaga ng July 14, 2020.

“Naniniwala kami sa 33rd IB na sa pagtutulungan ng Kasundaluhan, Local Government Units, at mga kapulisan ay makakaya natin maging mapayapa ang ating pamayanan” Pahayag ni LTC Elmer M Boongaling, Commanding Officer, 33rd IB.

Ang mga surrenderees ay nagmula sa ibat ibang munisipyo na nasasakupan ng 33rd IB tulad ng Shariff Aguak, Sharif Saydona Mustapah, Radjah Buayan, at Sultan sa Barongis.

“Alam natin na walang patutunguhan ang pakikibaka na gamit ang armas, ito ay lalong nakaksira sa ating mga Muslim, Malayo tayo sa Jihad yan ang katotohanan” Pahayag ni Hon. Yacob L. Ampatuan, Municipal Mayor, Radjah Buayan, Maguindanao.

“Hindi magiging madali ang inyong pagbabagong buhay, pero ang masaya dito ay sama sama nating tutunghayan at gagawin ito. Kasama ang LGU, kasundaluhan, at ang mga taong nagmamahal sa inyo. Simpleng pamumuhay at masayang pamumuhay, nasa atin yan kung papaano magiging masaya ang ating buhay,” Pahaya ni COL Jesus D Rico Atencio, Commander, 1st Mechanized, Bde.

Ang nasabing mga surrenderees ay sasailalim sa custodial debriefing, documentation upang maidulog nang tulong pangkabuhayan sa provincial government ng Maguindanao at ang kanilang mga baril ay mananatili sa 33rd IB para sa safekeeping at proper disposition.

Cotabato City heightens security after grenade blast

COTABATO CITY – The city police office has set up additional checkpoints and deployed more policemen on the streets following a grenade...

Kidapawan LSI dies inside isolation facility

KIDAPAWAN CITY - A Locally Stranded Individual (LSI) has died while under observation at an isolation facility in one of the barangays here...

NDBC BIDA BALITA (Oct. 26, 2020)

HEADLINES: 1. DOH 12, nakapagtala ng 35 mga naka recover sa COVID-19 kagabi. 2. Dalawang mga persons of interest, iniimbestigahan kaugnay ng...

NDBC COVID WATCH: BARMM records lowest single day infection

COTABATO CITY - The Minsitry of Health in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao on Monday reported only one case of novel coronavirus disease (...

Dapat tularan: Mlang LGU recognizes lowly worker's honesty

MLANG, North Cotabato – Kusang loob na ibinalik ni Cristano Bacalso alyas “Nonoy” sa may ari ang isang waist pack na naglalaman ng mahigit P80,000...