Monday Jul, 04 2022 07:39:35 PM

1 patay, 3 sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Tupi 

Local News • 15:45 PM Wed Jun 22, 2022
165
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal
Photo courtesy of Mike Sullargas.

TUPI, South Cotabato - Isa katao ang patay habang tatlo naman ang sugatan sa nangyaring vehicular crash sa Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato bandang alas-8:30 kaninang umaga.

Ayon kay PMSgt. Rea Mae Gatinao, spokesperson ng Tupi PNP na kinabibilangan ang mga ito ng dalawang motorsiklo na isang RS motorcycle na minamaneho ni Mike John Unggay, 24 anyos; at angkas nito na si Minrakel Mindal, 22 anyos at pawang mga residente ng Tboli, South Cotabato.

Habang lulan naman ng Suzuki Smash motorcycle ang driver na si Joel Buan, residente ng Brgy. Kipalbig, Tampakan; at angkas nitong si Dedeng Cahilig, 21 anyos at residente ng Tupi, South Cotabato.

Batay sa imbestigasyon, pumagitna umano sa center lane si Buan upang mag-give way sa isang sasakyan dahilan na nabangga nito si Unggay at kasama nito na papunta naman sa direksyon ng Koronadal City.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktima kung saan isinugod ang mga ito sa ospital, ngunit idineklarang dead on arrival si Buan sa Tupi Municipal Hospital.

Habang nagpapagaling naman sa ibang mga ospital ang tatlong iba pa.

Nasa kustodiya naman ng Tupi PNP ang dalawang motorsiklo para sa karampatang disposisyon.

Cotabato Light announces power interruption for July 6

COTABATO CITY - To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting Tamontaka 1, 2, 3, 4 and 5, Cotabato...

3 teens drowned in Lebak, Sultan Kudarat

COTABATO CITY  - Three teenagers were drowned and two elders survived while swimming at a beach resort in Lebak, Sultan Kudarat on Sunday...

P74K worth shabu seized from Tampakan drug ring

KORONADAL CITY - Anti-narcotics agents seized P74,000 worth of shabu from two drug den operators and three accomplices entrapped in Tampakan,...

Dating sundalo na wanted sa Lebak, naaresto ng PNP

LEBAK, Sultan Kudarat  - Naaresto ang isang wanted person na may kasong concubinage kahapon ng umaga, Hulyo 3,2022 sa Purok Langka, Brgy....

3 `serial' armed robbers in GenSan busted

GENERAL SANTOS CITY --- Three suspects in recent armed robberies here got busted as they motored through a checkpoint after divesting someone of...