1 hurt as MNLF, MILF hostilities erupt, send civilians fleeing
Local News • 11:45 AM Wed Oct 5, 2022
429
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
UPDATE: Isang sibilyan ang tinamaan ng ligaw na bala mula sa bakbakan ng dalawang magkalabang Moro fronts sa tatlong Sitio ng barangay Sambulawan, Midsayap Cotabato kahapon.
Sa panayam ng DXMS Radyo Bida kay Midsayap PNP Chief, Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza, sinabi nito na ang grupo ni Kumander Lap ng MNLF at Rene Tukuran ng MILF ang nagkasagupa sa naturang lugar.
Dagdag pa ni Colonel Oranza, personal na alitan ang isa sa mga dahilan ng bakbakan.
Pansamantalang lumikas ang mga residente sa mas ligtas na lugar dahil sa takot na maipit sa bakbakan.
Sa ngayon ay patuloy ang clearing operations ng army at PNP upang maiwasang kumalat pa ang bakbakan sa kalapit na mga barangay.