1 dead, 10 hurt in Alamada highway mishap
Breaking News • Wed Nov 17, (All day) 2021
749
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
Photos shared to DXMS Radyo Bida from BFP-BARMM
ISA ANG NASAWI habang sampung tauhan ng Bureau of Fire Protection sa Bangsamoro Region o BFP-BARMM ang sugatan matapos na ang kanilang sinasakyang mini bus ay nahulog sa bangin sa Alamada, North Cotabato kagabi.
Ang 12 miembro ng BFP-BARMM at dalawang sibilyan mula sa Commission on Audit ay pauwi ng Cotabato City matapos magsagawa ng audit sa Wao, Lanao del Sur.
Sa report na nakarating sa BFP-BARMM, nawalan ng preno ang Coaster van at nahulog ito sa malalim na bangin sa Barangay Barangiran, Alamada dakong alas 5 ng hapon.
Ang nasawi, ayon sa initial report, ay nagngangalang Atty. Guiling ng COA.
Sira-sira ang coaster na sinakyan ng mga biktima.
Nasa pagamutan sa Alamada ang mga sugatan.