CAMP SIONGCO, Maguindanao - Limang mga miyembro ng teroristang NPA ang nagbalik-loob sa pamahalaan matapos na sumuko ang mga ito sa tropa ng 57th Infantry (MASIKAP) Battalion sa Edwards Camp, Brgy Mirab, Upi, Maguindanao ngayong araw ika-18 ng Mayo, 2022.
Agad na iprenisinta ni Lieutenant Colonel Jonathan Pondanera, ang Battalion Commander ng 57th IB, ang mga sumukong rebelde kay Major General Juvymax R Uy, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa headquarters ng 57th IB.