Binigyang parangal ng 43rd Infantry Battalion, Philippine Army, sa Catarman National Airport sa Catarman, Northern Samar si Corporal Melchor Solayao na nasawi sa isang roadside bombing sa Datu Hoffer, Maguindanao bago lamang.
Anim na mga kasama ni Cpl. Solayao ang nasugatan sa naturang pagpapasabog ng roadside bomb ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters habang dumadaan ang kanilang sasakyan sa bahagi ng isang highway sa Datu Hoffer, isa sa mga bayan sa Maguindanao na may presensya ng BIFF.
Si Cpl. Solayao ay taga Barangay Macagtas sa bayan ng Catarman sa Northern Samar.